Tinapos na ng Commission on Elections (Comelec) na nagsisilbing National Board of Canvassers (NBOC) ang pagbibilang ng boto para sa midterm elections.
Ala una bente kanina nang tapusin ng Comelec ang canvassing makaraang dumating ang huling certificate of canvass (COC) mula Washington DC sa US.
batay sa final tally, nanguna sa senatorial race si Senador Cynthia Villar sa botong 25,283,727; Grace Poe, 22,029,788; Bong Go, 20,657,702; Pia Cayetano, 19,789,019;
Ronald dela Rosa, 19,004,225; Sonny Angara, 18,161,862; Lito Lapid, 16,965,464; Imee Marcos, 15,882,628; Francis Tolentino, 15,510,026; Koko Pimentel, 15,510,026;
Bong Revilla Jr., 14,624,445 habang nasa 12th spot naman si Nancy Binay sa botong 14,504,936;
Itinakda na ng Comelec ang proklamasyon ng mga nanalong senador mamayang alas diyes ng umaga.
Mga nanalong senador iproproklama na ngayong araw
Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng mga nanalong senador at party-list group, ngayong araw.
Ayon sa Comelec, sisimulan ang proklamasyon ng mga nanalong senador mamayang alas diyes ng umaga.
Ala syete naman mamayang gabi ang proclamation ng mga party-list.
Maka-ilang beses nang ipinagpaliban ng poll body ang proklamasyon dahil sa pagka-antala ng pagdating ng mga natitirang election returns mula Isabela province, US at Saudi Arabia.