Naglatag ng kundisyon ang Pangulong Rodrigo Duterte bago palayain ang mga political prisoners.
Ayon sa Pangulo, palalayain nya ang lahat ng political prisoners sa loob ng 48 oras kung may makikita syang Bilateral Ceasefire agreement na nilagdaan ng National Democratic Front at Government Peace Panels.
Sinabi di umano ng Pangulo na masyado nang maraming isinuko ang pamahalaan sa NDF.
Una nang tiniyak ng Pangulo kina rebel leaders Benito at William Tiamzon na susundin nya ang kanyang campaign promise na palayain ang mga nakakulong na mga rebeldeng komunista.
Umaabot sa 200 political prisoners ang di umanoy kwalipikado nang mapalaya batay sa listahan na isinumite ng Government Peace Panel.
By: Len Aguirre