Target ng Department of Labor and Employment o DOLE na magsulong ng bilateral agreements sa iba pang bansa.
Sa gitna na rin ito nang ikinakasang paglagda sa bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Kabilang sa target nilang magkaroon ng kasunduan para maprotektahan ang mga Pilipinong manggagawa ay sa Israel, Czechoslovakia, Japan at China.
Bahagi na rin ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ng paghahanap ng alternative market para sa mga OFW na galing ng Kuwait.
Kasabay nito, tiniyak ni Bello ang pagsibak o pagsuspindi sa mga opisyal at empleyado ng Philippine Overseas Employment Agency o POEA na mapapatunayang kasabwat ng illegal recruiters.
Total deployment in Kuwait
Samantala, sakop na ng kautusang deployment ban sa Kuwait ang mga balik manggagawa sa nasabing bansa.
Ito ayon kay Bello ang napagpasyahan nila para na rin sa kaligtasan ng mga naturang OFW kahit pa marami sa mga ito ay mayroong mababait na employer.
Humingi ng pang-unawa si Bello sa mga OFW at tiniyak ang pagseselyo muna ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para sa karapatan ng mga manggagawang Pilipino.
—-