Plano ng Pilipinas na magpatupad ng bilateral free trade agreement sa Amerika bilang bahagi ng pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay Trade Usec. Ceferino Rodolfo, matagal nang nais ng Pilipinas na mapaganda pa ang ugnayan nito sa Amerika bilang tading partner nito.
Bagama’t hindi na bahagi ang Amerika ng TPP o Trans Pacific Partnership, sinabi ni Usec. Rodolfo na plano nilang paigtingin ang GSP o General System of Preference na siya namang patuloy na ginagawa ng Pilipinas.
Sa isinagawang TIFA o Trade and Investment Framework Agreement Meeting noong isang linggo, inihayag ng Amerika na bukas sila sa nasabing plano ng Pilipinas.
By Jaymark Dagala
Bilateral free trade agreement balak ng Pilipinas at Amerika was last modified: July 17th, 2017 by DWIZ 882