Malapit nang malagdaan ang bilateral labor agreement (BLA) sa pagitan ng Pilipinas at Russia.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kumpiyansa siyang maisasapinal na sa nalalapit na mga araw ang kasunduang ito ng dalawang bansa.
Bahagi aniya ang BLA sa pangako ng pamahalaan na mabigyan ng suporta at proteksyon ang mga Filipino migrant workers na nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Pahayag ni Bello, parehong nais ng Pilipinas at Russia na malagdaan ang BLA sa gitna ng pagtaas ng demand ng mga Filipino skilled at semi-skilled workers sa Moscow, base narin sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Berlin, Germany.
Inamyendashan rin umano ng Russia ang kanilang batas na may kaugnayan sa local employment of local skilled workers upang ma-accommodate ang mga foreign workers.
Pawang registered members naman aniya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang nasa 1,000 mga babaeng OFW’s na nagtatrabaho sa Russia bilang mga household service workers.