Gumulong na ang bilateral military exercise ng Pilipinas at Amerika ngayong araw na ito.
Ayon sa Philippine Marine Corps sinimulan na ang 6th iteration ng kanilang Kamandag exercises katuwang ang US Armed Forces sa Philippine Navy Officers Club sa Taguig City at ito ay tatagal hanggang October 14.
Sinabi ng PMC na ito ang kauna-unahang pagkakataon na makikiisa bilang observers ang military personnel mula Japan at South Korea.
Layunin ng exercises na pagtibayin pa ang bilateral cooperation at interoperability ng mga troop sa pagsasagawa ng combined tactical operations para mapaganda ang kapasidad sa special operations, coastal defense capability, humanitarian assistance at disaster response.
Bukod pa ito sa chemical, biological, radiological at nuclear operations.
Tiwala naman ang pmc na makakasama nila sa ganitong exercise ang iba pang foreign military allies para mapaigting pa ang iba’t ibang military operations.