Isusulong ng Pilipinas ang Bilateral Negotiation sa pagitan ng China upang ganap nang maresolba ang Territorial Dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose, isinasapinal pa nila ang schedule ng one-on-one negotiation.
Samantala, sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na isa sa mga nais niyang sabihin siya China ay ang problemang kinakaharap ng mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal.
Ayon sa kalihim, pinagbabawalan pa rin ang mga Pinoy doon na makapangisda at itinataboy pa ng Chinese Coastguard sa teritoryo na matatagpuan naman sa 124 Nautical miles ng Luzon.
Bago upuan ang nasabing Bilateral Relations, umaasa si Yasay na mapahihintulutan ang mga mangingisda na makabalik sa dati nilang hanapbuhay.
By: Meann Tanbio