Muling iginiit ng China ang pagkakaroon ng bilateral talks sa pagitan nila at ng Pilipinas hinggil sa agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea
Ito ang reaksyon ng Beijing sa isinagawang kauna-unahang pagpupulong ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Hong Lei, ito lamang ang nakikita nilang solusyon upang ganap nang maresolba ang gusto sa pagitan ng Pilipinas at ng China
Nakabatay aniya ito sa pagrespeto sa historical facts na sang-ayon din sa itinatakda ng international laws
Nakatakdang ipalabas sa susunod na linggo ng International Court of Arbitration sa the Hague, Netherlands ang desisyon nito hinggil sa isinampang reklamo ng Pilipinas laban sa China sa naturang usapin
By: Jaymark Dagala