Masaya ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration, hinggil sa kaso ng Pilipinas laban sa China.
Sinabi ni Foreign Affairs Perfecto Yasay na dahil natuldukan na ang usaping legal, makabubuting simulan na ang bilateral talks sa China upang maipatupad ng maayos ang naging desisyon ng Tribunal.
Pinuri din ni Yasay ang delegasyon ng Pilipinas na nagtanggol sa Pilipinas sa Tribunal.
Bahagi ng pahayag ni DFA Secretary Perfecto Yasay
Aquino
Samantala, ikinatuwa naman ng dating Pangulong Benigno Aquino III ang inilibas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.
Ayon sa dating Pangulo, hindi naging madali ang desisyon na isulong ang kaso sa Arbitration Tribunal at matinding pressure din ang kanilang naranasan dito.
Kasunod ng tagumpay ay nagpasalamat din ang dating Pangulo sa mga delegado ng Pilipinas na dumalo sa pagdinig sa The Hague, Netherlands, at sa iba pang tumulong sa bansa mula sa International Community.
By Katrina Valle | Karambola | Aileen Taliping (Patrol 23)