Kumpiyansa ang Philippine Army na mapapaangat pa ng mga Sundalong Pinoy ang kanilang kakayahan gayundin ang kasanayan para sa kanilang misyon.
Ito’y makaraang magtapos na ang tatlong araw na Balance Piston 2022 bilateral training exercise sa pagitan ng Philippine Army at United States Army Special Forces.
Ayon kay Army Spokesman, Col. Xerxes Trinidad, aabot sa isandaang mga tauhan sa panig ng Army Special Forces Regiment at US Army Forces ang nakilahok sa pagsasanay.
Nakatuon ang pagsasanay sa Human Rights/Law of Armed Conflict, Combat Management of Marksmanship skills, small unmanned aerial systems tactics, technique and procedures, anti-terrorism exercise atbp.
Isinagawa ang tatlong araw na pagsasanay sa Fort Magsaysay, Palayan City sa Nueva Ecija na nakatutok sa capability ehancement, collaboration at interoperability ng dalawang pwersang militar. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)