Umaabot na umano sa 3,000 hanggang 5,000 pesos ang bilihan ng boto sa Bacolod City, Negros Occidental batay sa mga natanggap na alegasyon at ulat ng Commission on Elections (COMELEC).
Nilinaw ni Bacolod City Election Officer, Atty. Revo Sorbito na aaksyon lamang ang COMELEC sa sandaling may pormal na magrereklamo at may hawak na matibay na ebidensya tulad ng video.
Ayon kay Sorbito, wala pa kahit isang complainant na lumalabas at handang magreklamo.
Tiniyak naman ni Negros Occidental Provincial Election Officer, Atty. Roberto Salazar na may mga personnel ang PNP, AFP at NBI na sumailalim sa training upang humawak at tumulong kapag may kasong isasampa kaugnay sa vote-buying.