Nangungunang alalahain o national concern ng mga Pilipino ang inflation, pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at pananatiling malusog, base sa December 2015 Pulse Asia survey.
Sa ulat ng Bayan Survey ng Pulse Asia mula December 4 hanggang 11 sa 1,800 rehistradong botante, 45 percent ang interesado sa usapin ng ekonomiya partikular ang pag-control sa inflation kumpara sa 46 percent noong Setyembre;
Apatnapu’t dalawang (42) porsyento ang nakatuon sa pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa mula sa dating 47 percent; 38 percent ang nais tumutok sa pagpuksa sa kahirapan mula sa dating 32 percent;
Paglikha ng mga karagdagang trabaho, 34 percent mula sa dating 37 at paglaban sa katiwalian sa gobyerno, 34 percent mula sa dating 39 percent.
Ikinukunsidera rin ng 25 percent ng mga respondent na issue na dapat agad tutukan ang kriminilidad habang national concern din ang kapayapaan, 19 percent mula sa dating 18 percent; rule of law, 16 percent; environmental degradation, 12 percent mula sa dating 13 percent at pagpapababa sa buwis, 11 percent.
By Drew Nacino