Iginiit ng Office of Civil Defense (OCD) Region 8 na sapat at maagap ang kanilang ibinigay na mga babala at pagpapalikas sa mga residente ng Biliran bago tumama ang bagyong Urduja sa nasabing lalawigan.
Ayon kay OCD Region 8 Director Edgar Posadas, hanggang sa kahuli – hulihang pagkakataon ay patuloy silang nag – utos ng preemptive evacuation sa mga residente ng Biliran.
Ikinalungkot naman ni Biliran Mayor Grace Casil na sa kabila ng kanilang mga babala ay may dalawang (2) naitalang nasawi sa kanilang munisipalidad.
Dalawa, isang I think 52 to 54 years old, nawala muna pero nahanap na raw base sa report sa akin ng Barangay Captain.
At the same time, isang 5 years old na bata.
Nakakalungkot na ganun ‘yung nangyari, in fact, kung ako mismo as a public servant hindi naman po ako nagkulang sa pagbigay ng payo sa mga tao.
Three (3) days before the typhoon naibigay ko na ‘yung ano… na lumikas na sila.
- Pahayag ni Biliran Mayor Grace Casil
Tiniyak naman ni Biliran Governor Gerardo Espina Jr. na patuloy ang kanilang mga clearing operations mga lugar na naapektuhan ng landslide.
Ngayon po ang priority natin ‘yung pag – clear ng mga landslides area dito sa paikot ng probinsya ng Biliran at ang problema namin ay ‘yung mga damaged na tulay sapagkat ‘yun ang nakakabigay ng malaking problema sa amin ngayon.
Ang Biliran ay isang island province, isa lang talaga ang dadaanan, isang tulay lang masira problema na, eh… sa ngayon lima (5) ang damaged na tulay.
- Pahayag ni Biliran Governor Gerardo Espina Jr.
Kasabay nito, nanawagan si Espina ng pagkakaisa sa lahat ng mga taga – Biliran para sa pagsasaayos ng kanilang lalawigan.
Makakaasa po kayo na ang ating probinsya ay hindi nagkukulang sa pagbigay ng tulong pero huwag lang tayo paghinaan ng loob, huwag tayong titiklop sa anumang pagsubok na darating at ako’y naniniwala na malalampasan natin ‘to.
Kagaya ng mga sakuna na nalampasan na natin sa una, manatili lamang tayong supportive sa mga programa ng munisipyo at ng provincial government, at aayusin po natin ito.
Tatayo po ang Biliran!
- Pahayag ni Biliran Governor Gerardo Espina Jr.