Nagpositibo sa red tide ang mga lamang dagat sa coastal waters ng Biliran.
Batay sa shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, hindi ligtas kainin ang mga lamang dagat mula sa mga katubigan ng Biliran.
Kabilang din sa mga lugar na may red tide ang Irong-Irong at Cambatutay Bay sa Western Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar, coastal waters ng Leyte, Calubian, Carigara Bay sa Leyte, Gigantes Islands ng Carles Iloilo, Dauis at Tagbilaran City ng Bohol.
By Ralph Obina