Asahan na ang mas mahahabang pila at paghihintay ng mga pasahero sa pagdating ng mga tren ng MRT Line 3 sa loob ng apat na araw.
Ito’y dahil sa babawasan ng pamunuan ng MRT sa 15 ang mga tren na tatakbo kada araw epektibo kahapon hanggang sa linggo.
Bukod dito, babawasan din ng MRT ang bilis ng takbo ng mga tren sa 20 kilometro kada oras mula sa dating 30 hanggang 40 kilometro kada oras.
Ayon sa Department of Transportation, ang nasabing mga hakbang ay bunsod ng isasagawang safety inspection sa buong sistema ng MRT bilang paghahanda sa pag-arangkada ng mga bagong bagon nito.
By: Jaymark Dagala