Bumaba pa sa 1.20 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Mula ito sa dating 2.95 na naitala nitong nakaraang linggo.
Pero ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nananatili pa rin sa very high risk ang rehiyon.
Bumaba naman sa negative 42 percent ang one-week growth rate sa NCR na malinaw na nagpapakitang bumababa na sa downward trajectory ang mga bagong kaso.
Nasa 72 kada 100,000 ang average daily attack rate (ADAR) na nasa high risk level pa rin kaya pinapayuhan ang lahat na sumunod pa rin sa minimum health protocols. —sa panulat ni Abby Malanday