Patuloy na bumibilis ang fixed broadband internet speed sa bansa sa loob ng 15 sunod na buwan.
Batay ito sa Ookla speedtest global index report na bumilis pa ang internet services sa Pilipinas.
Bumilis ang fixed broadband internet sa 72.56 mbps noong Agosto mula sa 71.1 mbps noong Hulyo 2021.
Katumbas ito ng month-to-month improvement na 1.95% para sa fixed broadband at 817.31% improvement simula nang mag-umpisa ang Duterte administration noong Hulyo 2016.
Lumabas din sa report na bumilis sa 33.77 mbps ang average download speed sa mobile mula sa 33.69 mbps.
Mula sa 180 bansa, nasa 63rd rank ang Pilipinas sa fixed broadband speed habang 73rd mula sa 140 bansa pagdating sa mobile.—sa panulat ni Drew Nacino