Nagbabala si Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin sa kada oras na naitatalang kaso ng HIV-AIDS sa Pilipinas.
Kung hindi aniya mapuputol ang nakakatakot na ‘bilis’ ng paghahawahan sa walang gamot at nakamamatay na sakit, maaaring umabot sa 133,000 ang bilang ng mga Pinoy na mayroong Human Immunodeficiency Virus/Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS) pagsapit ng taong 2022.
Ayon sa kalihim, aktibo at lalo pang pinapalawak ang kampanya ng DOH laban sa killer disease ngunit hindi pa rin maawat ang mabilis na pagsirit ng kaso.
Kabilang sa mga tinukoy ni Garin na pangunahing ugat ng hawahan ng HIV-AIDS ay iresponsableng lifestyle ng mga Pinoy.
Marami umanong Pinoy ang aktibo ang sex life pero hindi gumagamit ng proteksyon tulad ng condom, ang ilan ay mayroon pang multiple partners at ‘male to male sexual transmission’.
By Mariboy Ysibido