Tinapos na ng mag-asawang Bill at Melinda Gates ang kanilang 27 taong relasyon.
Sa kanilang Facebook post, sinabi nina Melinda at Bill na nagpasya silang tuldukan na ang kanilang pagsasama matapos hindi umubra ang lahat ng mga ginawa nilang paraan para maisalba ang kanilang relasyon.
Binigyang diin pa ng mag-asawang gates na masuwerte pa rin silang nagkaroon ng tatlong anila’y incredible children at nagtayo ng foundation na pinakikinabangan ng mga tao.
Napagtanto nilang hindi na sila maaaring mag-grow bilang couple sa mga susunod na yugto ng kanila kanilang mga buhay.
Tinitiyak anilang tuluy-tuloy ang operasyon ng Bill and Melinda Gates Foundation kahit naghiwalay na sila.
Kasabay nito, humingi ng privacy ang mag-asawang Gates sa gitna ng kanilang pinagdadaanan.