Pinaiimbestigahan ng Kamara ang bill deposit program ng Manila Electric Company o Meralco.
Nais mabatid ng Makabayan Bloc sa isinampang House Resolution 1899 kung ano ang naging basehan ng Meralco sa pangongolekta ng bill deposit.
Binigyang diin ni Bayan Muna Party-list Representative Carlos Isagani Zarte na hindi makatuwiran ang nasabing hakbang ng MERALCO dahil puputulin din naman ang supply ng kuryente kapag hindi nakapagbayad ang mga ito.
Mali rin aniya ang interpretasyon ng Meralco sa Epira Law na ginagamit nitong basehan ng bill deposit.
Isinusulong din ng grupo ang pagpapatigil ng ERC sa paniningil ng bill deposit at ipag utos ang refund na papalo sa 3 bilyong piso na una na nitong nakolekta.
—-