Magsasanib -puwersa sina Microsoft billionaire Bill Gates at Facebook founder Mark Zuckerberg sa layuning mabigyan ng internet access ang mga bansa sa buong mundo.
Ayon kina Gates at Zuckerberg, ang internet ay para sa lahat kaya’t nararapat lang aniya na maging available ito sa lahat ng tao sa buong mundo.
Ginawa ng dalawa ang pahayag sa ginanap na United Nation Summit.
Matatandaang batay sa mga pag-aaral, inaasahang magkakaroon ng internet access ang lahat ng bansa pagsapit pa ng 2030.
By Ralph Obina