Pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan upang maging isang ganap na batas ang panukalang bubuwag sa Road Board.
Pebrero 8 nang isumite ng Presidential Legislative Liaison Office sa Malacañang ang House Bill 7436, na ini-adopt ng Senado upang mapabilis ang legislative process ng pag-reconcile ng magkakaibang probisyon ng kani-kanilang bersyon.
Nakatakdang mapaso ang nabanggit na panukala at maging isang ganap na batas kung hindi lalagdaan ng pangulo sa loob ng tatlumpung (30) araw.
Magugunitang hiniling ni Pangulong Duterte noong 2017 sa Kongreso na bumalangkas ng batas na bubuwag sa Road Board na nangangasiwa sa motor vehicle user’s tax upang matigil na ang katiwalian sa ahensya.
—-