Aprubado na sa kamara ang panukalang batas na layuning magbigay ng karagdagang benepisyo sa mga Filipino centenarian.
Sa botong 193 at walang tumutol, lusot na sa ikatlo’t huling pagbasa ang House Bill 10647, na layuning amyendahan ang Republic Act 10868 o “Centenarians Act of 2016″.
Sa ilalim ng bill, magkakaloob ng monetary benefits sa mga aabot ng edad 80, 85, 90, 95 at 101.
Kabilang sa probisyon ang pagkakaloob ng 1 million peso cash gift sa mga 101 years olds at 25,000 peso financial benefits para sa mga octo-genarians at nona-genarians.
Ang National Commission of Senior Citizens ang magsisilbing implementing agency kung saan ang chairperson nito ang aatasang maglatag ng rules and regulations para sa epektibong implementasyon ng panukalang batas.
Kabilang naman sa makatuwang ng NCSC ang Departments of Social Welfare and Development bilang Consultant; Interior and Local Government at Health.