Umabot lang sa P400,000 ang bill ni Senador Sonny Angara nang gamutin siya sa isang pribadong ospital matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Angara, hindi gaanong kalakihan ang kaniyang binayaran sa ospital para sa kaniyang pagpapagamot gaya ng iba na umaabot sa milyon-milyong piso.
Ani Angara, posibleng ang mga pasyente na nagkakaroon ng ganung bayarin ay yung mga kinakailangan pang ii-intubate o ilagay sa intensive care unit (ICU).
Kwento ng senador, siya ay naconfine sa ospital ng walong araw –apat na araw sa emergency room at apat na araw sa regular na kwarto.
Kinuhanan din umano siya ng mga blood tests, ECG at pinainom ng mga gamot.
Magugunitang sinabi ni PHAP Presisdent Dr. Rustico Jimenez na maaating umabot sa P3-milyon ang bill sa ospital ng isang COVID-19 patient.
Ito ay dahil sa ginagamit na respiratory araw-araw na nagkakahalaga ng P20,000 hanggang P30,000 kada araw.
Bukod pa aniya rito ang mga gamot na pinapainom at personal protective equipment na ginagamit ng mga health worker na nakatalaga sa pasyente na binili ng ospital.