Isinusulong sa Senado ang panukalang gawing libre para sa mga bagong college graduates ang pagkuha ng birth certificate, passport, TIN ID, barangay at NBI clearance at iba pang requirements sa paghahanap ng trabaho.
Ayon kay Senator Angara, ang may akda ng Bill of Rights for New Graduates, layunin nito ang makatulong sa mga katatapos pa lamang sa kolehiyo.
Nakasaad sa nasabing panukala na sila ay magiging sponsored members ng SSS, PhilHealth at Pag-IBIG, at hindi pagbabayarin ng contributions sa loob ng isang taon mula sa araw ng kanilang pagtatapos.
Gayundin, hindi rin sila pagbabayarin ng travel tax at airport terminal fees at patuloy na magiging sakop ng student fare sa nasabing panahon.
Magiging libre rin ang pagkuha ng business o self-employment permit kung binabalak naman mag-negosyo.
By Krista de Dios