Niratipikahan na ng senado at kamara ang Bicameral Conference Committee Report sa panukalang magbibigay benepisyo at allowances sa frontliners kapag may pandemya tulad ng COVID-19 at mga susunod na public health emergencies.
Ayon kay Senator Sonny Angara, Chairman ng Senate Contingent sa Bicam, nagkasundo silang mga mambabatas na palawakin ang coverage ng mga benepisyo lalo’t tanging healthcare workers na nasa frontlines ng COVID pandemic ang saklaw sa orihinal na bersyon.
Inadopt anya ng Bicam ang bersyon ng kamara kung saan kabilang ang iba pang public health emergencies.
Isinama ng Bicam ang mga barangay health worker na nakatalaga sa swabbing at vaccination sites, mga nagsasagawa ng medical assistance at bahagi ng barangay health emergency response team sa coverage ng COVID-19 benefits.
Kabilang din sa saklaw nito ang medical allies, medical administrative support sa mga ospital, health facility, laboratory, medical o temporary treatment at monitoring facilityo vaccination site.
Magsisilbing basehan ng reconciled bill ang “one covid-19 allowance” alinsunod sa proposal ng Department of Health (DOH) na payagan ang mas maayos na “administrative efficiency”.