Bukod kay Will Smith na nanampal on-stage ay gumawa rin ng history sa katatapos lang na 2022 Oscars ang 20-year old singer-songwriter na si Billie Eilish matapos nitong masungkit ang best original song para sa kanyang kanta “No Time to Die”.
Si Billie ang kauna-unahang Oscar winner na ipinanganak ng 2000’s at naitalang youngest artist na nanalo ng tatlong awards para sa iisang kanta.
Bukod pa rito ay iniuwi nya rin ang best original song mula sa Prestigious Golden Globe and Grammys.
Nabatid na ang kantang ‘No Time to Do Die’ na ginamit na soundtrack sa isang James Bond film ay isinulat ni Billie kasama ang kanyang ever supportive na kapatid na si Finneas O’connell. – Mara Valle