Lumagda ang China sa isang kasunduan kung saan ay nangako itong bibili ng may 1.7 bilyong dolyar na halaga ng prutas at iba pang agricultural products mula sa Pilipinas.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, ang pag-angkat ng produkto sa Pilipinas ng kanilang bansa ay inaasahang tataas pa bilang bahagi ng pagpapaunlad ng kalakalan ng Beijing sa Manila.
Sinabi ng Chinese official na bukas ang merkado ng China sa mga produktong mula sa Pilipinas dahil sa malaking demand para dito.
Dahil dito, hinikayat ni Zhao ang mga Pilipino na mag-produce lamang ng produkto at iluwas ito patungong China.
By Ralph Obina
*AFP Photo