Naglunsad ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Philippine Payments Management Incorporated ng ‘Bills Pay PH’ na pinahihintulutan ang mga kliyente na mamili ng financial institutions upang magbayad.
Sa ilalim ng Bills Pay PH, ang transaksyon sa pagitan ng account mula sa mga service provider ng pagbabayad ay maaring gawin sa pamamagitan ng pag-scan o pag-upload ng QR PH person-to person biller code o mano-manong paglalagay ng mga detalye sa pagbabayad.
Tumatanggap ng ganitong serbisyo ang: All Bank Incorporated, Asia United Corporation, BDO Unibank Incorporated, China Banking Corporation, Metropolitan Bank at Trust Corporation o Metrobank, Philippine National Bank (PNB) at iba pang bangko sa Pilipinas.
Inaasahan naman ng BSP na palawakin pa ang mga benepisyo ng digitalization para sa mga Pilipino. —sa panulat ni Jenn Patrolla