Excited na si Billy Crawford sa kanilang kasal ng kanyang fiancé na si Coleen Garcia.
Ayon kay Billy, pagsisikapan niyang maging mabuting asawa para kay Coleen at alam niyang ganoon din naman ito sa kanya.
Bagama’t ikakasal na sa 2018, hindi pa kasama sa plano ng mag-asawa ang magkaroon agad ng anak.
Ayon kay Billy, marami pa silang parehong commitment sa Kapamilya network kaya hindi muna ito ang kanilang prayoridad
Ngunit hindi naman tinutuldukan ni Billy ang pagkakaroon ng anak dahil nananatili umano silang bukas sakaling ipagkaloob na ito sa kanila ng Diyos.