Nakapasok sa Grand Finals ng 12th season ng Dancing with the Stars ang dancer Tv-host na si Billy Crawford at partner nitong french dancer na si Fauve Hautot.
Ito’y matapos masungkit ng dalawa ang pinakamataas na score mula sa dalawang segments ng sikat na dance competition kung saan, nakakuha sila ng 39 points sa Saliw ng Awiting “Let’s Get it Started” ng Maneskin at 35 points naman sa “Chasing Cars” ng Snow Patrol.
Hindi naman naging handlang kay Billy ang pagkakaroon nito ng back injury dahil sa ipinamalas nitong performance.
Full support naman ang asawa ni Billy na si Coleen Garcia gayundin ang fellow hosts nito sa noontime show na “Tropang LOL.” —sa panulat ni Jenn Patrolla