Thankful ang dancer-singer na si Billy Crawford sa pagiging kuripot ng kaniyang asawang si Coleen Garcia.
Proud na ibinahagi ni Billy ang nagagawa ng kanyang misis para maging maayos ang budget ng kanilang pamilya.
Ayon kay Billy, dahil sa pagiging simple ni Coleen, mas nagiging balanse ang kanilang buhay.
Aminado din ang singer-host na siya ay isang impulsive buyer kaya hindi pwedeng pagkatiwalaan ang mga lalaki pagdating sa mga pera.
Sinabi ni Billy na matapos silang ikasal ng kaniyang misis ay nakontrol ang kaniyang paggasta o pagbili ng wala sa plano.
Dagdag pa ni Billy na bago ang kanilang luho, mas inuuna na nila ngayon ang pangangailangan ng kanilang anak na si baby Amari. —sa panulat ni Angelica Doctolero