Itinanghal na Grand Champion ng Dancing with the Stars France si Billy Crawford.
Ito ay inanunsyo ng kanyang asawa na si Coleen Garcia-Crawford sa Instagram.
Naipanalo rin ni Billy ang public vote na siyang patunay ng popularidad nito sa France.
Mababatid na makailang beses nang nanalo at naging frontrunner si Billy at ang partner nitong sa Fauve Hautot sa Dancing with the Stars kung saan nakatanggap din ang mga ito ng standing ovation. —sa panulat ni Hannah Oledan