Iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na bilyong pisong pondo ng PhilHealth ang nagagamit sa mga iregularidad sa mga nakalipas na taon.
Ito’y sa pagsisimula ng imbestigasyon ngayong araw kaugnay sa umano’y anomalya sa PhilHealth.
Inisa-isa ni Lacson ang umano’y disallowances ng PhilHealth batay sa ulat ng Commission on Audit (COA).
Sinabi rin ng senador na ilang matataas na opisyal ng PhilHealth ang una nang nasangkot sa mga anomalya ngunit nananatili pa rin sa kanilang katungkulan.
Aniya, kahit pa ngayong nasa gitna ng nararanasang pandaigdigang pandemya ay patuloy ang anomalyang bumabalot sa PhilHealth.