Bilyon-bilyong piso ang tinatayang mawawala sa ekonomiya sa pinalawig na pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR plus.
Ito ang inihayag ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).
Ayon kay Sergio Ortiz-Luis Jr. ECOP President, bahagya lamang ang magiging epekto ng ECQ sa ekonomiya noong nakaraang linggo dahil sa Holy Week.
Ngunit ngayong pinalawig pa ito ng isa pang linggo, aabutin ng bilyon ang halaga ng mawawala sa ekonomiya.
Una nang sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang pagpapatupad ng dalawang linggong ECQ ay magreresulta ng pagkawala ng P2.1-B sa ekonomiya ng bansa.