Tinatayang bilyon-bilyong pisong halaga ng pananim na palay at mais ang inaasahang masisira sa pananalasa ng Bagyong Ompong.
Ito ang inihayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa isinagawang command conference sa National Disaster Risk Reduction Management (NDRRMC) Operations Center sa Camp Aguinaldo, kahapon.
Ayon kay Piñol, inaasahan ang pag-land fall ng Bagyong Ompong sa Cagayan kung saan maaapektuhan ang mahigit isang milyong ektaryang palayan at maisan sa rehiyon.
Gayunman, tiniyak ng opisyal na may sapat pa ring supply ng bigas na maaaring tumagal pa ng 85 hanggang 95 na araw.
—-