Handang talikuran ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bilyun-bilyong pisong kita na ipapasok sa bansa ng mga kumpanya ng minahan.
Kapalit ito ng kanyang pagsuporta kay Secretary Gina Lopez bilang kalihim ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.
Ayon sa Pangulo, handa siyang magsakripisyo upang matiyak lamang na interes ng publiko ang siyang maghahari gayundin ay mapangalagaan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon.
Kaugnay nito, tinawag naman ni Secretary Lopez na real thing si Pangulong Duterte dahil sa pagsuporta nito sa kaniya.
Ayon sa Kalihim, ang tiwalang ibinigay sa kaniya ng Pangulo ang nagsisilbi niyang inspirasyon para ipagpatuloy ang kanyang trabaho.
Nangako si Lopez na mananatili siyang tapat na kaalyado ng Pangulo lalo na sa mga polisiya at repormang pakikinabangan ng mas nakararaming Pilipino.
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping / Jonathan Andal