Tinatayang P1.23 bilyong piso na laan sana sa pag-aaral ng mga mahihirap na estudyante sa kolehiyo ang hindi nagamit dahil sa hindi maayos na implementasyon ng student assistance program ng gobyerno.
Ayon ito sa report ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa Student Financial Assistance Program ng Commission on Higher Education (CHED).
Lumalabas na mula sa P5.2 billion na pondong laan para mga scholar, higit sa 1 bilyon dito ang hindi nagamit dahil sa ilang deficiencies o pagkukulang.
Kabilang dito ay ang sobra o kaya naman ay doble at makailang beses na pagbabayad sa higit 700 mga studyante na umaabot sa 3.44 million at cash advances na umabot ng P108 million pesos na hindi naberipika kung natanggap ng mga benipisaryo.
Kasama rin dito ang higit sa 9 na milyong mga hindi na claim na tseke dahil hindi nabigyan ng notipikasyon ang estudyante.
By Rianne Briones