Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na maa-account o makukuwenta ang bilyong pisong pondo na nagasta ng pamahalaan para sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa kanyang public address, inako mismo ni Pangulong Duterte ang responsibilidad hinggil dito.
Ayon pa sa pangulo, nakahanda rin siyang lumagda sa report ng Department of Justice (DOJ), sakaling magkaroon ng imbestigasyon at irekomendang kasuhan ang mga mapatutunayang guilty sa maling paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Duterte ang National Task Force for COVID-19 na ipalabas kung papaano at saan nagamit ang pondo ng pamahalaan.
Upon my oath of office, ‘wag kayong mag-alala, lahat ng pera na nagastos dito sa away ng COVID ay maa-account. I will hold myself responsible for this solemn duty of answering for and in behalf of the executive department of all the funds that were spent in the fight against COVID,” ani Duterte.