Nangangamba si Senador Bongbong Marcos na magamit sa darating na halalan ang bilyung-bilyong pondo na inilaan para sa mga sinalanta ng super bagyong Yolanda noong 2013.
Ito’y dahil sa patuloy na pagtanggi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na ilahad sa publiko kung saan napunta ang mga perang donasyon ng iba’t ibang bansa para sa mga sinalantang kalamidad.
Ayon kay Marcos, nakalulungkot aniyang malaman na bukod sa mga hindi nagagamit na pondo, may mga napapaulat na relief goods na hindi na mapakinabangan dahil sa na-expire na ang mag ito.
Binatikos din ng Senador ang mga pangakong pabahay para sa mga sinalanta ng bagyo dahil sa hindi pa rin ito nakikita ng nga residente makalipas ang dalawang taon mula nang sila’y salantain.
By Jaymark Dagala / Cely Bueno (Patrol 19)