Pinatawan ni US President Donald Trump ng 25 porsyento ng taripa ang nasa $ 50 bilyon na halaga ng mga produktong galing China.
Paliwanag ni Trump, ito’y dahil sa ‘intellectual copyright theft’ ng China.
Dagdag ni Trump, kinakailangang patawan ng taripa ang mga produkto para mapigilan ang hindi makatarungang paglipat ng American technology at intellectual property sa China.
Kabilang sa mga produktong apektado ay aircraft tyres at commercial dishwashers.
Samantala, gumanti naman ang China sa pamamagitan ng pagpapataw din ng katumbas na taripa sa mga produktong galing sa Amerika.