Malaking pondo ang ilalaan ng Department of Transportation o DOTR sa mga railway system ng bansa.
Sa pagharap sa House Oversight Committee on Transportation, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na aabot sa 393.3 bilyong piso ang kanilang hihinging budget sa Kongreso sa susunod na taon.
Kabilang aniya rito ang para sa pagsasa-ayos at pagpapatayo ng bagong railway system kasama na ang 3 china-funded na railway projects na target simulan ngayong taon.
Maliban dito, mayroon pa ng 5 Japan-funded projects kabilang na ang Metro Manila Subway na layong magkaroon ng partial operability pagsapit ng 2020.