Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang pondo mula sa bilyun-bilyong pisong Road User’s Tax para sa flood control projects sa Bicol na matinding nakaranas ng flashfloods and at landslides bunsod ng bagyong Usman.
Sa post disaster briefing sa Pili, Camarines Sur kahapon, tiniyak ni Pangulong Duterte na mga Bicolano ang unang makikinabang sa pondo sakaling ilabas ito.
Iginiit din ng pangulo ang kanyang suporta sa pagbuwag sa Road Board dahil umano sa malawakang korapsyon sa ahensya.
“Kausapin ko si Senate President at Speaker, wala ako objection kung tatanggalin, it cannot remain,” Pahayag ni Duterte.