Aprubado na ng Asian Development Bank (ADB) ang 400 milyong dolyar na loan ng Pilipinas para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.
Batay sa inilabas na pahayag ng ADB, nabatid na ang Pilipinas ang kauna-unahang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Asia pacific vaccine access facility.
Sa tulong aniya na ito, inaasahang mapapalakas ang kapasidad ng gobyerno ng Pilipinas para tiyakin ang pamamahagi ng mga bakuna kontra COVID-19 sa mga Filipino.
Naniniwala ang ADB na mahalagang magkaroon ng COVID-19 vaccine para mas maging mabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Inaasahang malalagdaan at madi-disbursed ang loan sa loob ng buwang ito.