Pinabulaanan ng National Economic Development Authortiy (NEDA) ang umano’y P68-billion na lugi ng mga magsasaka sa unang taon ng implementasyon ng Rice Tariffication Law (RTL).
Paliwanag ni NEDA Assistant Secretary Mercedita Sombilla, ang ginawang basehan ng pagaaral ng Federation of Free Farmers (FFF) kung saan lumabas ang nasabing halaga ay ang artificial rice shortage na hindi naman aniya normal na sitwasyon.
Samantala, hindi naman matukoy ng Department of Agriculture (DA) ang kabuuang halaga ng nalugi sa mga magsasaka dahil sa RTL.
Gayunman sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na masyadong malaki ang sinasabi ng FFF.
Ani Dar, hindi dapat kalimutan ng mga magsasaka ang mga ayudang ibinigay ng pamahalaan gaya na lamang ng P10-bilyong Rice Competitiveness Enhancement fund, P2.5-billion survival and recovery assistance, at iba pa.
Ngunit hindi rin naman umano maiaalis ang posibilidad na bumaba nga ang kita ng mga magsasakay dahil sa RTL na nagbigay ng pahintulot sa pagpasok ng napakaraming imported na bigas sa merkado.