Asahan na ang katamtaman hanggang sa paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan ang mararanasan ng bansa sa susunod na linggo dahil sa isang bagyo sa Dagat Pacifico na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes o Martes ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ang bagyo na may international name na Soudelor ay hindi inaasahang magla-landfall subalit maaring magpalakas ng southwest monsoon o habagat ayon kay Weather Forecaster Gener Quitlong ng PAGASA.
Sinabi ni Quitlong na ang bagyo ay bibigyan ng pangalang Hanna kapag lumakas pa ito bago pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
Maliit naman ang tiyansa ng bagyo na tumama sa kalupaan ng bansa.
By Mariboy Ysibido