Malaki ang tiyansa na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical storm na binabantayan sa Pacific Ocean.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), 60 percent ang tiyansang pumasok sa PAR ang bagyong may international name na ‘Infa’ at tatawaging ‘Marilyn’ kapag pumasok sa bansa.
Kaninang alas-2:00 ng umaga, huling namataan ang bagyong may international name na ‘Infa’ sa layong 2,620 kilometro silangan ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA, masyado pang malayo ang nasabing bagyo para matukoy ang eksaktong araw ng pagpasok nito sa bansa.
By Mariboy Ysibido