Posibleng pumasok ngayong araw sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong may international name na “Jelawat”.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 1,320 kilometro silangan ng bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 at may pagbugso na aabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito patungong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 23 kilomnetro kada oras.
Sakaling makapasok na sa PAR ay papangalanan itong “Caloy”.
Inaasahang mula sa pagiging tropical depression ay aabot ito sa typhoon category.
—-