Lumakas muli ang bagyong nasa labas ng PAR o Philippine Area of Responsibility na may international name na Infa.
Ang bagyong Infa ay nasa typhoon category na at malaki ang tsansang maging super bagyo pa ito.
Ang nasabing bagyo ay pinakahuling namataan sa mayong mahigit 2,000 kilometro silangan ng Mindanao.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging umaabot sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 170 kilometro kada oras.
Ang bagyong Infa ay kumikilos pa kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Inaasahang bukas, linggo o sa Lunes papasok ng PAR ang nasabing bagyo na papangalanang Marilyn.
Ayon kay Joint Typhoon Warning Center, hindi naman tatama sa alinmang bahagi ng kalupaan ng bansa ang nasabing bagyo kung magtutuluy-tuloy sa kasalukuyang takbo nito.
By Judith Larino