Tuluyan nang naging bagyo ang binabantayang low pressure area sa Southeastern Luzon at tatawagin itong bagyong Nika.
Huli itong namataan sa 1,145km silangan ng timog-silangang Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangging aabot sa limampu’t limang kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa pitumpung kilometro kada oras.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na tatlumpung kilometro kada oras.
Posible namang makaranas ng manaka-nakang pag-ulan namay kasamang kidlat ang buong Bicol Region simula bukas, November 10.
Asahan din ang light to at times heavy na mga pag-uulan sa buong rehiyon sa mga susunod na araw. - sa panulat ni Laica Cuevas